Afleveringen
-
'Yung ready ka na umamin kay crush pero napaisip ka ‘nung nalaman mong Gemini pala siya.
Alamin kung may koneksyon ba talaga ang zodiac signs sa love at compatibility sa bagong talakayan nina Doc Anna kasama ang astrologer na si Resti Santiago sa episode na ito ng #ShareKoLang.
-
Tuwang-tuwa tayo sa mga video ng mga mukbang challenge. Pati nga Pinoy celebrities, nakiuso rin.
Pero alam n'yo bang nagsimula pala ang mukbang bilang solusyon sa lungkot nang pagkain mag-isa?
Kung bakit, 'yan ang pag uusapan ni Doc Anna kasama ang nutritionist at content creator na si Jo Sebastian ngayon sa #ShareKoLang! -
Zijn er afleveringen die ontbreken?
-
"Tell me something about yourself" — napakamot ka ba ng ulo nang tanungin ka nito sa job interview mo?
Ngayon sa #ShareKoLang, hihimayin ni Doc Anna kasama ang founder ng Philippine HR Group na si Coach Darwin Rivers ang mga pinakamadalas itanong sa isang job interview para maging ready at confident ang isang aplikante!
-
May mga mommy na nakakaramdam ng lungkot at kaba na hindi maintindihan matapos nila manganak. Ngayon sa #ShareKoLang, pag-uusapan ni Doc Anna ang postpartum anxiety kasama ang first-time mom at aktres na si Kris Bernal.
-
Madalas nakakainit ng ulo ang pagdisiplina ng mga bata. Ngayon sa #ShareKoLang, pag-uusapan ni Doc Anna kasama si Dr. Joanna Herrera, ang president ng We Thrive Consultancy and Wellbeing Services, Inc kung ano ba ang mga pwedeng gawin ng mga magulang at guro para hindi sila maubusan ng pasensya sa pagdisiplina.

Basurero ang 26-anyos na si Dondy Regondola buong kabataan niya. Sa pamamasura niya natustusan ang sariling pag-aaral at pagtulong sa pamilya.
Ngayon, malapit na siyang magtapos ng pag-aaral sa kursong Criminology.
Ang kuwento ng kanyang mga sakripisyo at pagpupursige bilang working student sa kanyang pakikipag-usap kay Doc Anna sa episode na ito ng #ShareKoLang.
-
Babae ka, of course, malakas ka!
'Yan ang pinatunayan ng Pinay OFW na si Jonalyn Johns na talaga namang astig at pangmalakasan ang trabaho sa America. Ang kanya kasing trabaho, magmaneho ng mga dambuhalang 18-wheeler delivery truck na sa paniniwala ng ilan, mga lalaki lang daw ang makakagawa.
Bilang celebration ng Women's Month, tara at samahan natin si Jonalyn sa kanyang biyahe bilang Pinay Trucker sa ibang bansa sa kanyang pakikipagkwentuhan kay Doc Anna sa episode na ito ng #ShareKoLang.
-
Naniniwala ka ba na sa libu-libong tao sa mundo, may isang nakalaan para sa'yo?
Ang mag-asawang sina Noel at Angie Gonzales, naniniwalang soulmate nila ang isa't isa. Ang kanilang pagmamahalan, nagsimula raw sa isang natagpuang lumang picture.
Alamin ang kwento sa likod ng larawang ito at kiligin sa kanilang 30 taong pagsasama, kasama si Doc Anna sa bagong episode ng #ShareKoLang.
-
“‘Yung feeling na hindi mo alam anong mali sa’yo.”
‘Yan daw ang naramdaman ng film and TV director na si Direk Jason Paul Laxamana sa loob ng mahigit tatlong dekada. Pero nagbago raw ito nang ma-diagnose siya ng Asperger’s Syndrome.
Ano ang disorder na ito? Paano kaya ito nakaapekto sa buhay ng award-winning director? Alamin sa kanyang panayam kay Doc Anna sa episode na ito ng #ShareKoLang!
-
“‘Yung feeling na hindi mo alam anong mali sa’yo."
‘Yan daw ang naramdaman ng film and TV director na si Direk Jason Paul Laxamana sa loob ng mahigit tatlong dekada. Pero nagbago raw ito nang ma-diagnose siya ng Asperger’s Syndrome.
Ano ang disorder na ito? Paano kaya ito nakaapekto sa buhay ng award-winning director? Alamin sa kanyang panayam kay Doc Anna sa episode na ito ng #ShareKoLang!
-
"Regardless of how people talk about whether they’re a fan of Taylor Swift or not, at one point in your life or in certain points of your life, you like a certain person. And that certain person gave an art, a kind of art that nourishes you and that kind of sustains you."
Ang impluwensya ni Taylor Swift sa kultura ng fandom sa Pilipinas, pag-uusapan nina Doc Anna at Dr. Cherish Brillon, ang propesor na magtuturo ng Taylor Swift elective sa University of the Philippines-Diliman, sa episode na ito ng #ShareKoLang.
-
"Huwag kayong tatanggi sa oportunidad just because feeling niyo matanda na kayo. Sa mga pares kong may edad na, kung may maisip kayo na ikaliligaya ninyo sa mga huling sandali ng ating buhay, gawin po ninyo." Sa edad na 62, isa si Rosula Calacala sa pinakamatandang kumuha ng Bar exams noong 2023. Ipinakita niya na marami pang kayang gawin ang ating mga senior citizen para sa bayan.
Kilalanin natin ang very wise at inspiring na si Atty. Rose sa pakikipag-usap niya kay Doc Anna ngayon sa Share Ko Lang. -
"Huwag kayong tatanggi sa oportunidad just because feeling niyo matanda na kayo. Sa mga pares kong may edad na, kung may maisip kayo na ikaliligaya ninyo sa mga huling sandali ng ating buhay, gawin po ninyo."
Sa edad na 62, isa si Rosula Calacala sa pinakamatandang kumuha ng Bar exams noong 2023. Ipinakita niya na marami pang kayang gawin ang ating mga senior citizen para sa bayan.
Kilalanin natin ang very wise at inspiring na si Atty. Rose sa pakikipag-usap niya kay Doc Anna ngayon sa #ShareKoLang.
-
"'Yung gusto kong ma-feel din ng mga Kapuso natin especially at the start of the year, when people are thinking about shifting their gears and doing something else, that it’s possible. But you need to invest a lot of hard work and planning. Dapat buong-buo talaga ‘yung sarili mo when you do the shift."
2018 nang magpasya si Steve Dailisan na iwan ang kanyang mahigit isang dekadang karera bilang TV reporter at tuparin ang matagal na niyang pangarap na maging piloto. Limang taon mula nang gawin niya ang career shift na ito, isa na ngayong licensed commercial pilot si Steve.
Ang maipapayo niya sa mga nagbabalak din mag-career shift ngayong bagong taon, alamin sa kanyang pakikipagkwentuhan kay Doc Anna sa episode na ito ng #ShareKoLang.
-
"'Yung gusto kong ma-feel din ng mga Kapuso natin especially at the start of the year, when people are thinking about shifting their gears and doing something else, that it’s possible. But you need to invest a lot of hard work and planning. Dapat buong-buo talaga ‘yung sarili mo when you do the shift."
2018 nang magpasya si Steve Dailisan na iwan ang kanyang mahigit isang dekadang karera bilang TV reporter at tuparin ang matagal na niyang pangarap na maging piloto. LImang taon mula nang gawin niya ang career shift na ito, isa na ngayong licensed commercial pilot si Steve.
Ang maipapayo niya sa mga nagbabalak din mag-career shift ngayong bagong taon, alamin sa kanyang pakikipagkwentuhan kay Doc Anna sa episode na ito ng #ShareKoLang.
-
"Kung titingnan natin maigi 'yung engaging or committing yourself into a relationship, may mga kaakibat din 'yung costs, especially financial costs."
Hoping to find "The One" ka ba sa 2024? Hindi lang daw mature mind ang kailangan sa pagpasok sa romantic relationship, pero pati rin healthy na bulsa. Kailangan ba yumaman muna bago umibig? 'Yan ang pag-uusapan ni Doc Anna kasama ang financial literacy advocate na si Aivan Karl Parducho ngayon sa #ShareKoLang.
-
"It wasn't easy for me to say it or to come out. Growing up, I would think na ay hindi ko kailangan mag-out kasi I know na. ‘Yun pala, I still needed pala this validation din from my family na akala ko hindi ko naman kailangan kasi ‘di ba confident."
Halos isang dekada raw ang hinintay ni Rikki Mae Davao, panganay na anak na babae ng mga batikang artista na sina Ricky Davao at Jackie Lou Blanco bago siya tuluyang mag-out bilang lesbian.
Ang coming out story ni Rikki, ibinahagi niya kay Doc Anna sa episode na ito ng #ShareKoLang.
-
"Parang na-discourage ako kasi nu'ng nasa Philippines ako parang I felt like I wasn't conventionally attractive for the actor scene."
Hindi inakala ng Japino o Japanese-Filipino na si Stefanie Arianne na sa Japan niya matutupad ang matagal na niyang pangarap na maging isang mahusay na aktres. Nito lang nakaraang taon, isa siya sa mga bida sa isang Japanese film na kinilala sa Cannes Film Festival.
Kung paano siya nagsimula ng acting career sa ibang bansa, iyan ang pinag-usapan nila ni Doc Anna sa episode na ito ng #ShareKoLang.

- Laat meer zien