Afleveringen
-
Handa na sanang magpakasal si Randy sa kanyang girlfriend na si Jaya pero para makapag-ipon, nag-abroad muna siya. May mga tuksong lumapit pero naging matapat si Randy dahil ganun din ang inaasahan niyang ginagawa ni Jaya sa Pilipinas. Pakinggan ang kwento ni Randy sa Barangay Love Stories.
-
Normal na sa mga kabataan ang magligawan pero paano kung ang tulad ni lola Tasing naman ang ligawan ng bagong tenant sa kanyang paupahan? Kaso imbes na kilig, perwisyo ata ang ramdam ng lola mo. Pakinggan ang kwento ni Tasing sa Barangay Love Stories.
-
Zijn er afleveringen die ontbreken?
-
Tuwing bagong taon, kasiyahan at kaligtasan ang nais ng lahat, lalo na si Wenggay! Alam niyang salat ang kanilang pamilya kaya simple lang ang pangarap niya, ang makaranas ng isang payapa at masayang bagong taon kasama ang mga mahal niya sa buhay. Kaso iba ang nararanasan niya sa kanilang tahanan taon-taon. Pakinggan ang kwento ni Wenggay sa Barangay Love Stories.
-
Bago ikasal si Vanessa, naisipan niyang magpahula. Medyo nag-alala siya dahil 'death' ang una niyang nabunot na tarot card. Natawa na lang din siya nang sabihin sa kanya na ma me-meet niya ang kanyang soul mate dahil mayroon na siyang boyfriend. Pero nagbago ang ihip ng hangin nang makilala niya ang lalaking parang hawig nga sa sinasabi ng manghuhula. Pakinggan ang kwento ni Vanessa sa Barangay Love Stories.
-
Kahit ano pang edad mo ay maari mo pa ring gustuhin na magkaroon ng payapang puso at isipan. Lalo na si aling Marsha na kahit pa mahigit sisenta anyos na ay naghahanap pa rin ng kapayapaan dahil gulo ang madalas na dinadala ng palikero niyang asawa. Pakinggan ang kwento ni Marsha sa Barangay Love Stories.
-
Sanggang-dikit sina Rooky, Tommy, Robi at Aliyah, magkakapatid na rin ang turing nila sa isa't-isa. Simula pagkabata hanggang sa paghahanap ng trabaho, hindi nila iniwan ang isa't-isa lalo pa nung mapagbintangan si Robi na nagbebenta ng pinagbabawal na gamot. Pakinggan ang kwento ni Rooky sa Barangay Love Stories.
-
Hindi naman kailangan ng kompetensiya lalo na sa isang pamilya. Tanggalin sa puso ang inggitan at huwag ituring ang kapatid na kalaban. Pakinggan ang kwento ni Michelle sa Barangay Love Stories.
-
Kapag binalewala ang isang tao o bagay, siguraduhin mong hindi ka magsisisi sa buhay. Kaya 'wag ipagpaliban ang maliit na problema dahil ang maliit na butas ay maaaring lumala. Pakinggan ang kwento ni Joanne sa Barangay Love Stories.
-
Iba talaga ang Pasko ng mga Pilipino kaya naman halos lahat ay inaabangan ang pagdiriwang na ito lalo na si Sam. Maayos na ang buhay niya at may masayahin din siyang asawa. Lalo pang nagalak ang pamilya nila nang biniyayaan sila ng cute na baby pero sa hindi inaasahang pagkakataon, binawi rin ito agad sa kanila. Paano na ang Pasko ng inaabangan sana ng kanilang pamilya. Pakinggan ang kwento ni Sam sa Barangay Love Stories.
-
Sa away ng mga magulang, madalas ang mga anak ang mas nahihirapan. Bunsong anak si Cynthia at sa murang edad, kitang-kita at rinig niya ang sakitan ng kanyang mommy at daddy. Hindi man naghiwalay ang kanyang parents, hindi na rin naging mapayapa ang kanilang tahanan. Hanggang sa isang araw, hindi na siya umuwi. Pakinggan ang kwento ni Cynthia sa Barangay Love Stories.
-
Hindi biro ang pag-aalaga ng anak kaya imbes na magkaroon ng baby, nag-alaga na lang muna ng pusa sina Maiko at Jomel. Napakatagal din ng kanilang pagsasama sa iisang bubong hanggang sa na-realize daw nila na ayaw na pala nilang ipagpatuloy ang relasyon nila. Pero willing pa rin silang mag co-parent sa kanilang furbaby na si Yanyan. Pakinggan ang kwento ni Maiko sa Barangay Love Stories.
-
Masarap makasama sa buhay ang taong mahal mo pero kapag mahirap ang inyong estado, minsan nagkakaroon tuloy ng issue. Pangingisda ang hanapbuhay ni Dante kaya minsan mas matagal siya sa laot kaysa sa kanilang bahay. Mainit naman ang tahanang inuuwian niya dahil maasikaso ang kanyang kinakasamang si Amor. Pero nagbago ang lahat simula nang mapansin niya na napapadalas ang pag-aayos at paglabas-labas ni Amor. Pakinggan ang kwento ni Dante sa Barangay Love Stories.
-
Pagdating sa pag-ibig, hindi lang puro puso ang pinapairal dahil dapat pinapagana rin ang utak. At iyon ang ginamit ni Jojo sa relasyon nila ni Marie kaya nga nauwi sa proposal ang kanilang pagmamahalan. Habang pinaplano ang kanilang kasal, ang isa sa wedding supplier na nahanap nila ay ang pinakamamahal na ex pala ni Jojo. Damdamin pa rin kaya ang mangingibabaw o baka paganahin naman ni groom ang utak niya. Pakinggan ang kwento ni Jojo sa Barangay Love Stories.
-
Iba-iba ang paraan ng mga magulang sa pagpapakita ng pagmamahal nila. Para kay Priming, hindi niya masyadong hinihigpitan ang anak niyang si Volter dahil hindi rin naman umuobra sa binata ang mga pangaral niya. Kaya sinusuportahan niya na lang ang unico hijo niya sa mga gusto nito. Pero hindi habang buhay magiging mabait ang mundo kay Volter. Pakinggan ang kwento ni Priming sa Barangay Love Stories.
-
Lahat naman siguro ng tao ay gustong makaranas ng pagmamahal pero kung ang gusto mo ay ikaw lang laging pinagbibigyan at inaalagaan, parang hindi na tama iyon. Sobrang mapagmahal si Ica pero hindi pa niya nararanasang mahalin nang tama. Kaya nang makilala niya si Elmer, nakita niya kung gaano ito kaiba magbigay ng atensyon kumpara sa present boyfriend niyang mahilig magpalibre at humingi ng pera sa kanya. Pakinggan ang kwento ni Ica sa Barangay Love Stories.
-
May mga sakripisyo na masarap sa kalooban lalo kung para iyon sa taong mahal mo. Sila ang inspirasyon upang maging magaan ang pagdadala sa buhay. Kahit na mapanakit ang ina ni Jel, may mapagmahal naman siyang tatay at kapatid. Pero nang umalis ang kanilang ama para magtrabaho, sa ilalim ng kumot natatagpuan ng magkapatid ang proteksyon na hinahangad nila. Pakinggan ang kwento ni Jel sa Barangay Love Stories.
-
Para magkaroon ng maayos na buhay, may mga taong gagawin ang lahat makapagtapos lang ng pag-aaral. Pero si Isabella, nakahanap ng taong magiging katuwang niya pero malaki ang agwat ng edad nila. Pakinggan ang kwento ni Isabella sa Barangay Love Stories.
-
Kakosa ni Fredo si Buji. Pero para sa isang matanda na katulad ni mang Fredo, pamilya na ang turing niya sa binata lalo pa't si Buji lang ang tanging tumulong sa kanya nang makalaya silang pareho sa kulungan. Maraming taon na ang lumipas pero sigurado si mang Fredo na hindi pa rin siya napapatawad ng mga naiwan niyang anak. Kaya imbes na dalawin at magpakita sa kanila, nakuntento na lamang siya na araw-araw silang pagmasdan sa malayo. Pakinggan ang kwento ni Fredo sa Barangay Love Stories.
-
Nang mabiyuda si Yolly, medyo nahirapan siyang buhayin ang apat niyang anak. Buti na lamang ay nandyan ang bayaw niyang si Danny upang tulungan sila sa pang araw-araw nilang buhay. Pero iba talaga ang motibo ni Danny dahil bukod sa pagtulong sa kanyang mga pamangkin, gusto niya ring tumayong haligi ng tahanan para kay Yolly. Pakinggan ang kwento ni Danny sa Barangay Love Stories.
-
Isang breadwinner si Pixie at ang boyfriend niyang si Kio, breadwinner din daw. Pero pagdating sa relasyon nila ni Pixie, pabuhat at manipulative siya. Walang masama sa sobrang pagmamahal ngunit mas mainam siguro kung titirahan mo pa rin ang sarili mo dahil baka mapanlamang din ang jowa mo. Pakinggan ang kwento ni Pixie sa Barangay Love Stories.
- Laat meer zien