Afleveringen
-
Anak ng labandera at engineering student sa college si Solene. Bagamat kilala siya sa campus ay sadyang hindi maganda ang kanyang reputasyon dulot ng pagka-close niya sa gwapo at matalinong si Duke na kaklase niya’t kababata. Inaapi ngunit hindi man magpapatalo, dalawa lang ang laging laman ng isip niya: ang kanyang nagmamahal na Nanay, at ang kanyang minamahal na si Duke. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
-
May bagong transferee sa klase ni Solene, si Mitzie Tanaka: mahinhin, mabait, at maganda pa. Gusto man kaibiganin ni Solene, hindi niya matanggal sa isip na baka magka-interes sa kanya si Duke. Padagdag pa ang hirap ng pagiging engineering student at mga bagong requirement ng iskul sa mga nagpapabigat sa isip ni Solene. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
-
Zijn er afleveringen die ontbreken?
-
Mahal na mahal ni Solene ang kanyang Nanay Maryella, na walang ibang iniisip kung hindi ang ikabubuti ng kanyang anak. Kaya kahit anong gawin ni Solene, sa pagsali man sa bagong club o sa pag-akit kay Duke, suportado siya. At dahil sa good news mula sa kanyang tatay sa Australia, inimbita ni Duke ang dalawa sa kanilang bahay para sa isang salu-salo. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
-
Kinuha ang banda nila Mitzie para magperform sa salu-salo sa bahay nila Duke. Sa galing nilang tumugtog, walang ibang magawa kung hindi makinig. At hanggang sa pagkanta, boses anghel nga si Mitzie, kaya lalo pa niya nakukuha ang atensyon ni Duke. Samantala ang mga bandmates naman niya ay napansin at nilalandi si Solene. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
-
‘Di katulad nila Duke at Mitzie, hindi ginagalingan ni Solene ang performance niya sa klase. Baka sa sinalihan naman niyang club siya mas makakapagbuti, at may kakilala rin naman siya, si Jelay. Maya-maya naman sa cafeteria masasaksihan ni Solene ang pambubully kay Mitzie na hindi niya aatrasan. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
-
Sa aftermath ng pagtanggol ni Solene kay Mitzie, lalo silang napalapit sa isa’t isa. Tinotoo naman ni Troy ang pagsagot ng mga ingredients ni Solene para sa club. Pero pagkatapos ng midterms, sa isang rooftop party sa bahay ni Duke, may mababalitaan si Solene na sasalihan ng mahal niya kasama si Mitzie. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
-
Unti-unting nagiging close si Solene kay Mitzie, na mas nag-o-open up sa kanya. Hahatakin ni Duke si Mitzie na mag-aral para sa contest na sasalihan nila, at wala namang malisya doon. Pero hindi mapipigilan ang tsismisan ng mga kaklase nila, na magbibigay kay Solene ng duda. Dagdag pa ang madadatnan niyang eksena nang sundan niya ang dalawa sa library. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
-
Hindi pa rin nagkakabati sina Solene at Duke. Pero kaarawan ng minamahal niyang Nanay Maryella kaya papasyal sila at ililibre niya ito sa grocery at sa pizzeria. Sa kasamaang palad, biglaang matatapos ang sayahan dahil mahuhuli ni Sol na magkasama sa labas si Duke at Mitzie. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
-
Magkakabati ulit sina Solene at Duke, at tamang-tama, palapit na pag-alis nila ni Mitzie tungo sa sinalihang contest sa La Union. Magpaparamdam ang tatay ni Solene kay Nanay Maryella at mauungkat ang hinanakit ng nakaraan. Magpapakita rin uli si Harvin na tila ba’y may kahina-hinalang intensyon. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
-
Agaw-eksena ang patuloy na pagpapapansin ni Harvin kay Solene, at kumakalat na nga ang balita ng kanilang mga encounter sa campus. Tapos may makakarating kay Solene na tsismis tungkol kay Duke at Mitzie. Dagdag pa dito ang nakakabahalang balitang ibabahagi ng tulirong Nanay Maryella sa kanya. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
-
Nakabalik na sina Duke at Mitzie, pero hindi pa rin alam ni Solene ang katotohanan sa likod ng picture nilang naghahalikan daw. Maiimbita sina Solene at ang mga kasama niya sa baking club sa isang bakery para sa hands-on experience na kanyang lubos na ikatutuwa. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
-
Mukhang nagkakadevelopan nga sina Duke at Mitzie, at dahil dito mas napapalayo na si Solene sa kanila, ang pagkakaibigan nila’y nanganganib. Pagkatapos ng isang bullying incident, sasamahan ni Duke si Mitzie. At ang walang muang na si Solene naman, lalapitan muli at tutulungan ni Harvin. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
-
Mapipilitan si Solene magsinungaling para mapanatag ang loob ng kanyang ina. Sa condo ni Harvin, mararanasan niya ang kakaibang katahimikan at alaga na kinasasabikan niya. Ngunit pag-uwi, kasabay ng kanyang sinat ay darating ang isang hindi inaasahang bisita. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
-
Makakakuha ng trabaho si Solene sa Sweets And Treats habang Christmas break. Mukhang tuluyan na nga niyang susundin ang passion niya for baking. At dahil si Harvin ang anak ng bakeshop at madalas ang pagbisita, napapasandal sa kaniya si Solene. Pero magbabago ang lahat sa isang Christmas party. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
-
Nakalipas na ang ilan buwan na magnobyo na sina Solene at Duke, pero pilit pa rin nilang tinatago ang kanilang relasyon sa lahat, pati na rin sa kanilang mga kaibigan. Magdudulot ng tensyon sa pagitan nila ang patuloy na pag-aalaga ni Duke sa nahihirapang Mitzie, na tila ba may sobrang bigat na pinagdadaanan. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
-
Pagkatapos ng rebelasyon ni Nanay Maryella, wala nang laman ang isip ni Solene kung hindi ang magiging kalagayan nilang mag-ina. Kailangan pa rin niyang harapin ang battery exam sa school, pero hindi muna ang mga kaibigan niya, at pati na rin si Duke. Pag-uwi niya naman, may madadatnan siyang yayanig lalo sa kanyang mundo. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
-
Tuluy-tuloy lang ang buhay ni Solene: pumapasok sa Sweets And Treats at gumagaling bilang baker, at nakakapag-ipon para makita muli ang nanay niya. Magpapakita rin ulit siya sa mga kaibigan niyang sina Troy at Mitzie, pero sa isang rooftop party sa bahay ni Duke may darating na masamang balita. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
-
Kasing sakit ng pagbagsak ni Solene ang pag-abandona sa kanya ng mga kaibigan niya, at lalo na si Duke, nung kinailangan niya sila. Tuloy pa rin ang buhay dahil may pinag-iipunan pa si Solene. Ngunit hindi kasing tatag niya si Mitzie, na may gagawing delikado, at magiging mitsa ng matinding pagbabago. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
-
Nakarating na ng Maynila si Solene. Mahahanap niya ang kanyang Nanay Maryella sa Manila City Jail. Unti-unting masasanay si Sol sa buhay-Maynila. Makakahanap ng apartment, ng trabaho, at araw-araw niyang mabibisita ang nanay. Pero sa kasamaang palad, hindi rin ito tatagal. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
-
Makalipas ang ilang taon din ng paghihirap, mula noong pumanaw ang kanyang Nanay Maryella, maitataguyod na ni Solene ang inaasam na sariling bakeshop. Nagkita rin ulit sila ng dati niyang kaklase, si Jelay, at sa kanya niya malalaman ang mga nangyari pagkatapos niya iwan ang Isabela. May hatid din si Jelay na mabuting balita na magbibigay ng magandang pagkakataon kay Sol. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
- Laat meer zien