Afleveringen
-
Bata pa lang daw si Mark Averilla o mas kilala bilang Macoy Dubs nang malaman niyang bahagi siya ng LGBT community. Dahil daw rito, naging tampulan siya ng tukso. Kinakailangan pa raw magpanggap ni Macoy na nahimatay sa classroom para lang makalabas na sa klase!
Paano nga ba sinabi ni Macoy Dubs sa kanyang pamilya ang pagiging bahagi ng queer community? -
Marso noong nakaraang taon nang maging laman ng balita ang pag-araro ng isang bus sa ilang sasakyan sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) na kinasawi ng 10 katao. Kabilang sa mga nasawi ang mag-ina ni Jerry Tuazon. At si Jerry ang nag-iisang survivor mula sa van na naipit ng nasabing bus.
Sa kabila ng trahedyang ito, paano nga ba napatawid ni Jerry ang driver ng bus at nakabangon mula sa bangungot na ito?
Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.'
-
Zijn er afleveringen die ontbreken?
-
Isang taon matapos yumao ang ina ni Matet na si Superstar at National Artist na si Nora Aunor, binalikan ng aktres ang ilang alaala kasama ang ina. Ikinuwento rin ni Matet kay Kara David ang istorya sa likod ng emosyonal niyang pagla-live selling noon na dahil umano sa isang komento tungkol sa kanyang ina!
Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.'
-
Paalala. Sensitibo ang paksa.
March 18, 1996 nang sumiklab ang sunog sa Ozone Disco na mahigit 160 ang nasawi na indibidwal. Isa si Jhunie Mallari sa mga nakaligtas mula sa itinuturing na isa sa mga deadliest fire tragedies sa bansa. Pero makalipas ang tatlong dekada mula nang mangyari ang trahedya, napanagot na nga ba ang mga responsible sa nangyaring sunog? At paano nga ba bumangon mula sa trahedyang ito si Jhunie?
Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’ -
Sa edad na 16 ay nagtrabaho na bilang singer sa Japan si Daisy Reyes para makatulong kumita ng pera sa kanyang pamilya. Pero ang pagtatrabaho niya rito, naging sanhi pa upang siya’y makaranas ng bullying nang sumali siya sa isang beauty pageant.
Paano nga ba ito hinarap ni Daisy Reyes? At kumusta na nga ba ngayon ang dating beauty queen at aktres?
Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’ -
Paalala. Sensitibo ang paksa.
Taong 2007 nang mawala si Ruby Rose Barrameda at makalipas ang dalawang taon ay natagpuan ang katawan na isinilid sa drum, sinemento at itinapon sa dagat. Halos dalawang dekada matapos ang krimen, hindi pa rin nakakukuha ang hustisya sa pagpatay kay Ruby Rose.
Sa panayam sa kapatid nitong si Rochelle Barrameda, binalikan ng dating aktres ang araw nang mangyari ang pagkawala ng kapatid maging ang patuloy nilang maghahanap ng hustisya hanggang ngayon.
Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
-
Nitong Abril, ibinahagi ng online ng actress-comedienne na si Ashley Rivera ang pakikipaglaban ng kanyang ina sa lung cancer. Sa pagbabahagi niya kay Kara David, hindi niya napigilang maging emosyonal nang pag-usapan ang pinagdadaanan ng kanyang nanay na itinuturing niyang ‘sunshine’ at best friend.
Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’ -
Beauty, wit at humor -- 'yan si Miss Philippines Earth 2025 Joy Barcoma na ngayo'y binansagag na "Pambansang Jusa" online. Pero sa likod ng kanyang nakakatuwang online post ay isang nakakaantig na istorya ng sakripisyo, katapangan at malalim na pagmamahal para sa kanyang pamilya.
Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.'
-
Ang inaakala na simpleng sakit sa ulo na dulot ng pagbubuntis ni Teacher Jennifer Bangona, sintomas na pala ng stroke! Mas tumindi pa ang sakit ng ulo niya nang nasa paaralan siya hanggang sa kinailangan na siyang dalhin sa ospital. Dito ay dalawang operasyon na ang ginawa sa kanya nang sabay — isang brain operation at isang caeserian delivery para sa kanilang first baby.
Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
-
Matapos ma-demolish ang bahay noong 2003, naging tahanan nina Jude Natividad ang lansangan. Pero gaano man kahirap ang buhay nila noon ay hindi sumuko si Jude na makapagtapos ng pag-aaral.
Ang batang palaboy lang noon, isa nang ganap na guro ngayon!
Ang kuwento ng katapangan at pagpupursigi ni Teacher Jude, pakinggan sa 'i-Listen with Kara David.' -
'Stowka' o stowaway ang tawag ni Empoy Marquez sa kanyang sarili bagong pasukin ang mundo ng showbiz. Dahil sa mga kaibigan niya... nakuha sa isang audition si Empoy na naging daan para tahakin niya ang showbiz.
Pero sa pag-uusap nila ni Kara David, bakit tila naging emosyonal si Empoy sa kanyang ikinukuwento?
Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David' -
Bata pa lang daw si Buboy Villar ay laman na siya ng iba't ibang singing contest sa Cebu. Nang malaman ng kanyang nanay na may isang singing contest sa Maynila ay ibinenta nila ang kanila bahay pati ang kanilang alagang manok para may pamasahe papuntang Maynila.
Dahil walang kakilala sa Maynila, pansamantala nilang naging tirahan ang lansangan habang nag-o-audition si Buboy!
Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.' -
Trigger warning: Mentions of self-harm and depression.
Minsan nang nag-viral online ang actress-comedienne na si Tuesday Vargas dahil sa pagbabahagi niya ng kanyang mental health struggles. Sa panayam kay Kara David, ikinuwento ni Tuesday ang karanasan niya bilang isang taong may attention deficit hyperactivity disorder o ADHD, autism at post-traumatic stress disorder (PTSD) at kung paano niya ito patuloy na napagtatagumpayan.
Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
-
Dala ng kahirapan ay kinakailangan ni Marissa Fajardo na rumaket bilang labandera noon para magkaroon ng pamasahe papasok ng unibersidad. Ang pagtitiyaga niya, nagbunga nang siya'y makapagtapos bilang guro.
Ngayon, isa na siyang Alternative Learning System o ALS teacher para sa mga out of school youth. Ang nagsisilbi nilang mga classroom... minsan raw ay sementaryo, ilalim ng puno o bakanteng lote!
Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.'
-
14-anyos nang unang gumamit si Fr. Flaviano Villanueva ng ipinagbabawal na gamot nang siya’y napunta sa maling barkada. Pero sa tulong ng Diyos ay nakalaya sila mula sa pagiging alipin ng droga at ngayo’y tumutulong sa mga naulilang pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killing (EJK) dahil sa war on drugs campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ngayong dinidinig ang kaso ni Duterte sa International Criminal Court dahil sa kanyang anti-drug campaign noon, pinag-usapan nina Fr. Flaviano at Kara David ang naging adbokasiya ni Fr. Flaviano na tulungang maghilom ang pamilya ng mga biktima ng EJK
-
aong 2018 nang bumida si Jo Berry sa Kapuso series na ‘Onanay’ kung saan nakasama niya ang Superstar at National Artist for Film and Broadcast Nora Aunor at Primera Kontrabida Cherie Gil. Bilang isang baguhang aktres noon, ano-ano nga ba ang paghahanda niya sa tuwing kasama sa eksena ang mga batikang aktres?
Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
-
Dahil sa glaucoma ay unti-unting nawalan ng paningin si Josefina Olorocisimo. Bago pa man tuluyang mabulag ay naghiwalay pa si Josefina Olorocisimo at kanyang naging nobyo ng 11 taon.
Gayunpaman, nawalan man siya ng abilidad para makakita ay nagkaroon siya ng mas malalim na pananaw pagdating sa buhay, pag-ibig at paglilingkod sa kapwa.
Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
-
Taong 2003 nang unang magkita sina Kara David at SexBomb Aira Bermudez para sa I-Witness. Makalipas ang halos dalawang dekada, muling nagkausap at nagkakuwentuhan ang dalawa bago ang “Get, Get Aw Concert” ng SexBomb ngayong Pebrero.
Ano-ano na nga ba ang nagbago sa buhay ni SexBomb Aira? Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’ -
Isinilang na may Down Syndrome si Krystel Go na bumida sa 2025 MMFF Best Picture ‘I’mPerfect.’ Dahil sa kanyang ipinakitang galing sa pag-arte, kinilala siya bilang Best Actress. Gayunpaman, marami ang bumatikos nang matanggap niya ang award na ito.
Ang tugon niya sa mga basher, pakinggan sa ‘ ‘i-Listen with Kara David.’
- Laat meer zien