Afleveringen
-
Atheist Ako At Nagkamali Ako
Episode 76- Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan
Ang istoryang mapapakinggan ninyo ay tungkol sa totoong karanasan ni Donald. Si Donald ay isang doctor at nasa kaniya na ang lahat at dahil dito madali para sa kaniya ang hindi maniwala sa Diyos. Sa loob ng limang taon, may kaibigan siyang Kristyano na patuloy na nagsasabi sa kaniya tungkol sa pag-ibig ni Hesus, pero nakikipag-debate lang siya dito hanggang sa dumating siya sa bingit ng kamatayan at hinanap niya ang kaibigan. Pakinggan po ang detalye ng karanasan ni Donald.
-
Ang Gantimpala Ko Sa Langit
๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐จ๐๐ 75 - ๐๐ ๐๐๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐๐ญ ๐๐๐๐๐๐๐ฅ๐๐ ๐ก๐๐ง
Ang istoryang mapapakinggan ninyo ay tungkol sa totoong karanasan ni Maria. Isa si Maria sa mga naunangnagkasakit ng Covid noong 2019 sa New York at ito ang kaniyang ikinamatay. Sa kaniyang pagkamatay, napunta siya sa langit at ipinakita sa kaniya ng Panginoon ang kaniyang gantimpala at kung bakit siya ginatimpalaan. Gayunman, pinili ni Maria na bumalik sa lupa. Alamin kung bakit mas pinili ni Maria na bumalik sa lupa kahit nandoon na siya sa langit pagkatapos makita ang ang kaniyang gantimpala. Pakinggan ang detalye ng kaniyang karanasan.
-
Zijn er afleveringen die ontbreken?
-
Pro-choice Ako Hanggang Sa Makita Ko Ito
๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐จ๐๐ 74 - ๐ ๐๐๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐๐ญ ๐๐๐๐๐๐๐ฅ๐๐ ๐ก๐๐ง
Ang istoryang mapapakinggan ninyo ay tungkol satotoong karanasan ni Patricia. Dating Pro-choice si Patricia at bago siya naging assistant sa abortion clinic,tatlong abortion ang pinagdaanan niya. Dahil sa nakita niyang mga karima-rimarim na mga insidente at mga bagay sa loob ng abortion clinic, hindi na natahimik ang kunsensโya ni Patricia. Pakinggan ang detalye ng kaniyang karanasan.
-
Ang Misyon Ko Sa Buhay, Matapos Kong Mamatay
๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐จ๐๐ 73 - ๐๐ ๐๐๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐๐ญ ๐๐๐๐๐๐๐ฅ๐๐ ๐ก๐๐ง
Ang episode na ito ay tungkol sa totoong karanasan ni Valerie matapos siyang maaksidente, mamatay at ibalik sa katawan niya sa lupa ng Panginoong Hesus. Lumaking Kristyano si Valerie at sa buong buhay niya, pakiramdam niya ay hindi siya sapat sa paningin ng Panginoon. Pero iba ang kaniyang naramdaman sa kanilang pagkikita. Pakingan ang istorya ng pagkikita ni Valerie at ng Panginoong Hesus at alamin kung ano ang misyon niyasa buhay.
-
Mga Mahilig Sa Tsismis, Nakita Ko Sa Impyerno
๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐จ๐๐ 72 - ๐๐ ๐๐๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐๐ญ ๐๐๐๐๐๐๐ฅ๐๐ ๐ก๐๐ง
Ang istoryang mapapakinggan ninyo ay tungkol sa totoong karanasan ni Dominic ng barilin siya ng kasama niya sa gang at mapunta sa impyerno. Doon ay marami siyang nakitang ibaโt-ibang parusa sa ibaโt-ibang kasalanan ng mga tao. Pero partikular niyang idiniin ang kasalanan na tsismis at kung ano ang nakita niyang parusa sa kanila. Pakinggan ang detalye ng kaniyang karanasanat kung papaano siya nakabalik sa lupa.
-
Ang Dahilan Ng Aking Tagumpay
๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐จ๐๐ 71 - ๐๐ ๐๐๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐๐ญ ๐๐๐๐๐๐๐ฅ๐๐ ๐ก๐๐ง
Ang istoryang mapapakinggan ninyo ay tungkol sa tagumpay ng ministry ni Dr. Yonggi Cho sa South Korea. Nagsimula si Dr. Cho sa limang miyembro noong 1958 na umabot sa mahigit na 750,000 hanggang sa kaniyangpagkamatay noong 2021. Pakinggan kung ano ang dahilan sa likod na pananagumpay ng ministry ni Dr. Yonggi Cho mula sa kaniyang testimoniya.
-
Hamas Ako At Bumaliktad Ako
Episode 70 โ Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan
Ang istoryang mapapakinggan ninyo ay tungkol sa totoong karanasan ni Mosab. Lumaki siya sa Palestine at High Ranking Hamas Spiritual Leader ang kaniyang Ama. Mula pagkabata ay tinuruan siya ng Hamas na kasalanan ng mga Hudyo kung bakit sila naghihirap, kasalanan ng mga Kristyano at kasalanan lahat ng mga taksil sa Islam. Sa edad na 18, nagbalak si Mosab na atakihin ang mga Israeli, bumili siya ng baril pero nahuli siya ng mga sundalo ng Israel bago pa man niya maisagawa ang kaniyang balak. Ito ang simula ng pagkalito at pagbabago ni Mosab hanggang sa itakwil siya ng kaniyang sariling pamilya. Alamin kung bakit bumaligtad si Mosab sa Hamas at sa Islam sa istorya ng kaniyang buhay.
-
Ang Pamilya Ko Sa Langit
Episode 69 โ Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan
Ang istoryang mapapakinggan ninyo ay tungkol sa totoong karanasan ni Karen. Physical Therapist si Karen sa Alaska at kailangan niyang operahan sa likod. Noong araw ng operasyon, naputol ng doktor ang artery niya na kaniyang ikinamatay dahil sa labis na pagdurugo. Dito nagsimula ang kakaibang karanasan ni Karen na nagsimula sa pagmamasid sa kaniyang bangkay na nasa operating table hanggang sa makarating siya sa langit. Dito ay nakita niya ang kaniyang pamilya. Pakinggan ang detalye ng karanasan ni Karen.
-
Nakita Ko Ang Mga Kaibigan Ko Sa Impyerno
๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐จ๐๐ ๐8- ๐๐ ๐๐๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐๐ญ ๐๐๐๐๐๐๐ฅ๐๐ ๐ก๐๐ง
Lumaki si Ron sa isang napaka-hirap na pamilya at bayolente ang Ama niya na pumatay sa alaga niyang tupa. Lumayas siya sa edadna labing-dalawa at naging kriminal, adik at lasingero. Namatay siya noong dalawampuโt limang taong gulang siya at napunta sa impyerno. Dito ay nakita niya ang mga dati niyang kaibigan. Alamin ang detalye ng istorya ni Ron sa pakikinig sa episode na ito.
-
Hinanap Ko Si Hesus Sa Langit At Nagulat Ako Sa Nakita Ko
67 - Sa kabilang Buhay At Kababalaghan
Naniniwala ba kayo na hanggang sa ngayon ay maaari pa ring dalhin ng Panginoon ang ating espiritu sa langit habang nabubuhay tayo sa lupa, gaya ng nasasaad sa Bibliya? Ito ang naging karanasan ni Prophet Tomi Arayomi noong 16 years old pa lang siya. Pakinggan ang kabuuan ng kaniyang karanasan sa langit at kung bakit siya nagulat sa kaniyang nakita.
-
Terorista Ako Hanggang Sa Ito Ang Mangyari
Episode 66 - Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan
Ang istoryang mapapakinggan ninyo ay tungkol sa patotoo ni Afshin, dati siyang miyembro ng Hezbollah Army na kilala sa buong mundo bilang terrorist group na pinapalakas ng Iran. Pinalaki si Afshin bilang spiritual leader upang magturo ng Islam, sa labas ng Iran, hanggang sa makulong siya sa Malaysia dahil sa pagkakaroon ng 30 pekeng passports. Sa kulungan naging mas deboto si Afshin sa Quran at pagdadasal, at dahil sa turo sa Quran na pakikipag-usap sa mga espiritu, nagkamit siya ngkapangyarihan. Kapangyarihang ginagamit niya sa pananakit at paghihiganti sa mga taong gustong pasakitan ng mga taongnagpapadasal sa kaniya. Isa sa pinakamakapangyarihang espiritu na nagbibigay sa kaniya ng kapangyarihan ay siya ding nagtangkang pumatay sa kaniya. At dito nagsimula ang pagbabago ng kaniyang buhay. Pakinggan natin ang detalyeng karanasan ni Afshin.
-
Handa Na Ang Piging Sa Langit
Episode 65- Sa Kabilang Buhay At KababalaghanHanda ka na ba? Handa ka na bang ikasal kay Hesus? Sinasabi sa Bibliya na si Hesus ay babalik muli para kunin ang kaniyang mga tupa, ang kaniyang mga mapapangasawa. Isa ka ba sa kanila? May relasyon kaba kay Hesus? Pakinggan ang nasaksihan ni Santur sa langit at ang mensaheng gustong iparating ng Panginoong Hesus sa kaniyang pagbabalik sa lupa mula sa pagkamatay sa aksidente.
-
Ang Halloween, Ayon Sa Ex-Witch
Episode 64- Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan
Ang episode na ito ay itinaon para sa darating na Halloween upang bigyang babala ang lahat ng makakarinig kung bakit hindi dapat ito ipinagdiriwang ayon sa pananaw ng isang ex-witch. Pakinggan kung bakit gustong balaan ni Tina ang lahat tungkol sa Halloween.
-
Nakasama Ko Ang Diyos At Ito Ang Ginawa Namin
Episode 63- Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan
Ang istoryang mapapakinggan ninyo ay totoong karanasan ni Chad. Sa patuloy na pagsusuyo at pagpupuri ni Chad sa Diyos, nakaranas siya ng isang napakagandang karanasan sa piling ng Diyos. Alamin ang detalye ng karanasan ni Chad sa trono ng Diyos.
-
Abusive Husband Ako At Pinagsisihan Ko Ito
Episode 62- Sa Kabilang Buhay At KababalaghanAng istoryang mapapakinggan ninyo ay totoong karanasan ni Makah. Nakapangasawa si Makah ng isang mabuting babae na nagmahal sa kaniya ng lubos, pero dahil sa masamang impluwensโya ng alak at droga, pang-aabuso ang isinukli niyadito. Pakinggan ang istorya sa buhay ni Makah at kung paano niya pinagsisihan ang pangaabuso niya sa kaniyang asawa.
-
Galit Ako Sa Diyos At Ito Ang Ginawa Niya Sa Akin
Episode 61 - Sa kabilang Buhay At KababalaghanAng istoryang mapapakinggan ninyo ay totoong karanasan niJoanne. Dating Athlete si Joanne at sa kaniyang pagbubuntis ay nagkaroon siya ng nerve damage na naging dahilan ng marami niyang problemang pangkalusagan. Dahil dito dumaan siya sa 13 operasyon. Pumanaw si Joanne pero ninais niyang bumalik sa mundo para itaguyod ang kaniyang anak sa kabila ng paghihirap ng katawan. Pakinggan kung paano gumaling si Joanne.
-
Ang Itsura Ng Dasal Sa Langit
Episode 59 - Sa Kabilang Buhay At KababalaghanAng istoryang mapapakinggan ninyo ay totoong karanasan ni Robert. Naghirap siya sakit na kaniyang ininda sa maraming taon, ginawa niya ang lahat para gumaling pero hindi ito kaagad nangyari, alamin kung bakit hindi nasagot kaagad ang panalangin ni Robert.
-
Paano kung sinusumpa mo ang sarili mo nang hindi mo alam? Paano kung gaya ni Eba at ni Adan ay nalinlang ka ni Satanas? Ang mga bagay na akala natin ay inosente ay hindi pala. Ang masasamang balita namababasa sa inyong Horoscope at mga pagdidikta sa kung ano ang mga dapat ninyong gawin ay hindi sa Diyos kung hindi kay Satanas. Alamin kung bakit sa episode na ito.
- Laat meer zien