Afleveringen
-
Ang nakasama natin sa show, si Regine Cabato— investigative journalist, researcher, former Washington Post reporter, Chevening Scholar, at isa sa mga Pilipinong matagal nang sumusubaybay at nagsusuri sa mga usapin ng disinformation, troll networks, technology, at democracy.Napag-usapan namin ang kanyang simulain bilang poet at journalist—at kung paano nagtagpo ang mga mundong ito sa kanyang trabaho ngayon. Mula sa pagsusulat ng tula hanggang sa pag-iimbestiga ng disinformation, ikinuwento niya kung paano nakatulong ang creative writing sa paghubog ng kanyang boses, pag-unawa sa mga tao, at paghahanap ng katotohanan sa gitna ng ingay at impormasyon.Natural, napunta rin ang usapan sa mga tanong na mahalaga sa ating lahat: Paano nga ba gumagana ang disinformation? Ano ang papel ng troll farms at political machinery sa paghubog ng pampublikong opinyon? Paano binabago ng teknolohiya ang information landscape? At sa panahon ng influencers, algorithms, at walang tigil na content, paano natin malalaman kung ano ang dapat paniwalaan?Pinag-usapan din namin ang mga aral mula sa nakaraang mga election cycle, ang mga hamon na posibleng harapin natin sa 2028, at ang mas malalim na tanong sa likod ng lahat ng ito: Paano ba mabubuhay bilang ordinaryong mamamayan sa mundong tila laging may umaatake sa katotohanan?Magkahalong masinsinan at magaang kwentuhan tungkol sa journalism, media, politika, katotohanan, at pag-asa. Sa tingin ko, napakahalagang mapakinggan at mapag-usapan. Listen up, yo.
-
Sa episode na ito ng The Linya-Linya Show, nakasama natin si John Go— long-time bar fly turned alcohol importer, distributor, educator, cocktail enthusiast, at certified spirits geek.Bilang mga taong mahilig uminom pero marami pang gustong matutuhan tungkol sa mundo ng alak, napunta ang usapan namin sa mas malalim na bahagi ng drinking culture— hindi lang bilang bisyo o libangan, kundi bilang kasaysayan, craftsmanship, kultura, at paraan ng pakikipagkapwa-tao.Napag-usapan namin ang iba’t ibang uri ng spirits tulad ng rum, tequila, at mezcal; ang Pinoy drinking culture at kung paano ito naiiba sa ibang bansa; mga common misconceptions tungkol sa alak; at kung paano mas maeenjoy ang pag-inom nang may mas malalim na appreciation at responsibilidad.Kwento rin ito ng isang taong ginawang propesyon ang passion niya— mula pagiging regular na tambay sa mga bar hanggang sa pagiging isa sa mga pangunahing tagapagtaguyod ng mga underrated at underappreciated spirits sa Pilipinas.Kung gusto mong matuto tungkol sa alak, cocktails, bar culture, at kung paano uminom nang may mas malalim na pag-unawa sa iniinom mo, para sa’yo ang episode na ito.Listen up, yo.
-
Zijn er afleveringen die ontbreken?
-
Sa episode na ito ng Bara-Bara, nakasama natin si Marshall Bonifacio— isa sa mga pinakarespetadong emcees ng liga, kilala sa teknikal niyang sulat, strategic angles, at mga labang madalas mapasama sa usaping classic o battle of the night.Napag-usapan namin ang kanyang buhay at paglalakbay— mula sa paglaki sa Mindanao, pagtatrabaho sa Cebu, hanggang sa paninirahan ngayon sa Luzon— at kung paano hinubog ng iba’t ibang lugar, kultura, at karanasan ang kanyang pananaw bilang artist at bilang tao.Nagkuwentuhan din kami tungkol sa pagpasok niya sa hip hop at battle rap, mga impluwensya mula sa local at international scenes, at ang madalas na usapin tungkol sa pagiging “foreign influenced.” Tinalakay rin namin ang pagkakaiba ng international at local battle rap, kung saan tayo lamang, at kung ano ang natatanging ambag ng FlipTop sa sining, kultura, at lipunang Pilipino.Napunta rin ang usapan sa ilan sa kanyang mga pinaka-memorable na laban, sa creative process at pagsusulat, hanggang sa experience at thought process nya bilang madalas na napipiling judge.Umabot din kami sa usaping originality, confidence, paninindigan, at kung paano manatiling totoo sa sarili sa isang eksenang laging nagbabago.Classic sh*t ito. Solid ka, Marshall Bonifacio.Listen up, yo.
-
Touchdown, Seoul! Nag-ikot kami ni Reich sa Seoul para mag-food trip, maghanap ng cocktail bars (nakapunta kami sa #1 bar in South Korea!), record stores, hobby shops, parks, museums, at mas makilala ang kultura ng Korea. At oo, isa sa pinakamasarap na ramen na natikman namin… sa South Korea pa talaga! Hindi man kami super fans ng K-pop, K-drama, o K-culture, K na K naman ang biyahe namin — mula samgyup, cafés, at cocktails hanggang sa Piattos discoveries, “one dish per person,” at kung may Anti-Buraot Act nga ba talaga sa Korea. Samahan n’yo kami sa kwentuhan tungkol sa isang trip na mas masarap, mas insightful, at mas nakakatawa kaysa sa inaasahan namin. (Featuring: legit samgyup verdict, Korean café culture, Mary Grace Piattos, at iba pang kalokohan)
-
Sa episode na 'to ng Livin’ The Filipino Life, nagkuwentuhan sina Ali at Victor tungkol sa isang tanong na minsan, napapaisip tayong lahat: “Ano kaya ang gagawin ko kapag nanalo ako sa lotto?”
Mula sa mga pangarap, “responsableng” plano, pati na ang mga luho, napunta rin ang usapan sa mas malalim na realities ng adulthood, trabaho, pressure, at kung bakit minsan, parang gusto na lang talaga nating tumama sa lotto para makahinga.
Pakinggan nyo na, kasi baka pag nanalo kami sa lotto, hindi niyo na kami mahanap at mapakinggan. Joke lang, ahahaha.Listen up, yo.
-
Sa episode na 'to ng The Linya-Linya Show, nakasama natin sina Jaymar Castro at Amber Garma ng Pinoy Survivor League hosting team, kasama si Vin Page, dating winner ng PSL, para ipakilala sa atin ang mundo ng Online Reality Games—isang komunidad at subculture na marami pala tayong hindi alam!
Aminado ako: Pumasok ako sa usapang 'to nang halos walang alam tungkol sa PSL at ORGs. Pero habang tumatagal ang kwentuhan, mas narealize kong hindi lang pala ito laro o online competition. Sa maraming paraan, nagiging microcosm din ito ng Pilipinas—may pulitika, alliances, strategy, drama, social dynamics, at reflections ng ugali nating mga Pinoy.Napag-usapan din namin kung bakit sila nahilig dito, ano ang fulfillment na nakukuha nila, paano nabuo ang community, at kung paano naging space ang PSL hindi lang para sa entertainment, kundi para rin sa friendships, advocacies, at minsan, social commentary.Isang unexpectedly insightful at fascinating na kwentuhan tungkol sa internet culture, human behavior, community-building, at pagiging Pilipino sa digital age.Listen up, yo!
-
Muling nagbabalik ang aking award-winning friends from the education sector, mga hinahangaang leaders ng ating panahon— sina Teach Jaton Zulueta at Teach Sabs Ongkiko. Ituring niyo ang Turo-Turo episode na ito na isang buntong-hininga sa patong-patong na pagsubok na nangyayari sa paligid at krisis sa buong mundo. Ituring niyo rin itong hinga at pahinga. Katulad ninyo, nararamdaman din namin ang bigat. Sa simpleng paraan ng pagkikita at pag-uusap ng magkakaibigan, makatulong sana sa pagpapagaan ng ating mga dinadala. Listen up, yo.
-
Panibagong episode ng Daddy Diaries, kasama ang idol ko, si Daddy Rene Sangalang. Noong nakaraang October 2025, naabot nya ang isang milestone: 75 years old na sya! Sa loob ng pito’t kalahating dekada, nakakalap sya ng karanasan at kaalaman. Isang umaga, niyaya ko syang magrecord ng podcast— at habang nagkakape, ibinahagi nya ang learnings nya in life. Masayang kausap si Daddy, at ang dami kong natututuhan. Sana, kayo rin! At sana, magkaroon din ang bawat isa na makapag-usap sa magulang, at sa mga mentor sa buhay.Listen up, yo!
-
Sa bagong episode ng Livin’ The Filipino Life, kasama natin si Victor Anastacio para pag-usapan ang halaga ng hobbies sa gitna ng magulong mundo.
Nagkuwentuhan kami tungkol sa simpleng saya na dulot ng pagkakaroon ng pinagkakaabalahan—mula sa kung bakit mahalaga ang hobbies, hanggang sa pagiging busy sa home improvement, at kung paano ito nakakatulong sa mental health at overall na stability.
Sa dami ng responsibilidad at stress sa araw-araw, minsan kailangan lang natin ng space para gumawa ng bagay na para sa sarili—walang pressure, walang expectations, basta masaya.Walang labis, walang kulang.
May hobbies? May happiness ‘yan!
Listen up, yo!
-
Sa episode na ito, tampok ang live event ng Linya-Linya at Rappler noong Jan. 24, 2026, na ginanap sa Linya-Linya HQ. Pinamagatang “Mabuti Pa: Pag-usapan Natin ang Good Governance" ang roundtable discussion na ito, kung saan pinag-usapan kung paano nagagamit ng content creators at comedians ang humor, storytelling, at social media para maiparating ang mga usaping panlipunan, at kung paano nila natutulungan ang mas maraming kabataan na makialam, magtanong, at makibahagi sa diskurso tungkol sa good governance.
Moderated by Rappler’s Bea Cupin, umikot ang kwentuhan sa papel ng creators sa paglalapit ng current affairs at political issues sa bagong henerasyon—sa paraang relatable, accessible, at may impact.
Bahagi ito ng #MabutiPa campaign ng Linya-Linya at Rappler— isang initiative na hinihikayat ang kabataang magsimula ng makabuluhang usapan, makialam sa komunidad, at kumilos tungo sa mas mabuting pamamahala, papalapit sa 2028 elections.
Isang masayang kwentuhan na may laman— kung paano nagtatagpo ang content, comedy, at citizen engagement.
Mabuti pa, makinig ka, at makinig tayo sa isa't isa. Listen up, yo.
-
Panibagong Bara-Bara episode, hatid ng Linya-Linya at ng FlipTop Battle League. Nakasama natin si Kuya Kevs — aka DJ UMPH — ang matagal nang nasa likod ng lente ng FlipTop Battle League, ang most-viewed rap battle league sa buong mundo.
Sanay tayong makita siyang tangan ang kamera, tahimik na kinukuhanan ang kasaysayan ng battle rap. Pero sa likod nito, may buhay at kwento si Kuya Kevs na hindi alam ng karamihan.
Napag-usapan namin ang kanyang background — mula sa pamilyang accomplished sa academe at corporate world, hanggang sa pagiging top baseball prospect noong kabataan niya, pagdaan sa UP, at pagpasok sa iba’t ibang mundo ng Katipunan — bilyaran, underground scenes, at hip hop community na nagpamulat at humubog sa kanya.
Ikinuwento rin niya ang kanyang journey sa hip hop — bilang DJ, music producer, at kahit bilang rap artist (whut?!). Mula sa early underground movements, collaborations, beat making, hanggang sa pagiging bahagi ng UPRISING at FlipTop.
Napag-usapan din ang pagiging up-close witness niya sa pinakamalalaking battles sa kasaysayan ng FlipTop — ano ang pakiramdam na hawak ang kamera habang nangyayari ang epic battles, at paano niya nakikita ang ambag ng FlipTop sa hip hop, sa kultura, at sa lipunan.
Isang jaw-dropping na kwento ng isang tahimik na haligi ng eksena — mula Katipunan, hanggang entablado ng hip hop, hanggang sa likod ng kamera ng kasaysayan.
Solid na kwentuhan. May UMPH.
Listen up, yo.
-
Sa episode na ito ng Livin’ The Filipino Life, nakasama natin si Victor Anastacio para pag-usapan ang buhay bilang trentahin—ang saya, ang sakit, at ang sabay-sabay na pressure at clarity na dala ng era na ’to.
Nagkuwentuhan kami tungkol sa expectations sa 30s, career, relasyon, pagod, pagbangon, at yung realization na habang tumatanda, mas sumasakit ang likod habang mas nagiging totoo ang buhay—hindi laging maayos, pero (hopefully) mas may direksyon. May halong nostalgia, self-awareness, at konting existential crisis, pero may kasamang tawa at pag-asa.
Isang kwentuhan para sa mga trentito, trentita, at sa lahat ng trentahin—na patuloy pa ring nagfi-figure out ng buhay, one year at a time.
Listen up, yo.
-
On this special Women’s Month episode, nakasama natin ang proud members ng Lady Boses podcast — sina Jeannie Laccay, Diana Aaron-Ong, at Khaye Asco — isang all-female collective ng stand-up comedians na patuloy na nagbibigay ng #Pekpektives sa buhay, trabaho, at comedy scene.
Napag-usapan namin ang origin story ng Lady Boses, ang kani-kanilang personal journeys sa stand-up comedy, at kung paano nila nina-navigate ang isang industriyang matagal nang male-dominated. Pinag-usapan din namin ang creative process nila—kung bakit mahalagang magsulat muna ng jokes para sa sarili bago sa audience, para lumabas ang authentic na boses at maiwasan ang magkakatulad na materyal.
Napunta rin ang usapan sa women representation sa comedy, validation mula sa kapwa babae, dynamics ng female audiences, at kung paano nagiging mas komportable at mas expressive ang tawa kapag kapwa babae ang nasa entablado.
Isang masaya, makulit, pero makabuluhang kwentuhan kasama ang mga trentahin at kwarentahing tita.
Listen up, yo.
-
Sa episode na ito ng The Linya-Linya Show, nakasama natin ang isa sa pinakarespetado at pinakamatapang na boses sa Philippine broadcast journalism— si Ms. Karmina Constantino.
Kilala siya sa kanyang firm, fierce, at fearless na estilo ng pagtatanong. Sa harap man ng senador, spokesperson, o sinumang makapangyarihan, hindi siya tumitiklop. Diretsahan kung diretsahan—basta mahalaga ang tanong, at para sa katotohanan.
Sa episode na ito, nakilala rin natin ang tao sa likod ng journalist.
Napag-usapan namin ang kanyang background, education, at ang impluwensiya ng pamilyang pinagmulan niya— isang pamilya ng historians, academics, at public intellectuals. Ikinuwento rin niya kung paano niya hina-handle ang tough interviews with tough personalities, kung paano siya naghahanda bago ang isang panayam, at kung paano niya pinapangalagaan ang integridad ng kanyang trabaho.
Napunta rin ang usapan sa kanyang reputation bilang “maldita” sa harap ng camera, at kung bakit minsan kailangan talagang maging matigas at matatag— pero sa dulo, mabait pa rin para sa bayan.
Sa gitna ng mga mabibigat na balita at mga nangyayari sa politika, napag-usapan din namin ang pag-asa at pangamba para sa bansa, at kung ano ang dapat gawin ng mga Pilipino habang papalapit ang 2028 national elections.
Naglapag din tayo ng isang hypothetical na tanong: kung magkaharap sila ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, ano-ano ang itatanong niya?
Masaya at makabuluhang usapan. Hindi ako kinabahan, promise.
Listen up, yo.
-
Isa na siguro sa pinakaseryosong episode na narecord natin sa kasaysayan ng Bara-Bara series. Purong bars at lyrizizim lang.
Mga ka-Linya, mga ka-Bara– battle emcee, music artist, content creator, at isa sa mga pinaka-respetadong hurado sa balat ng battle rap– also known as the Milkyman, laging handang manggatas– mula Bulihan, Cavite pa para sa inyo, mag-ingay para kay JONAS!
Binalikan natin ang kanyang background at kinalakhan, binreakdown ang battle rap character at persona, tinalakay ang usaping self-awareness at ego, ang panggagatas sa mundo ng content at social media, pati na syempre ang wasto at maayos na paghuhurado. Binaybay natin ang pasikot-sikot na utak ng nag-iisang Milky Man.
One word: Makasaysayan. Listen up, yo!
-
We are lucky to have with us at The Linya-Linya Show, Jasmine Curtis-Smith—award-winning actress, theater performer, and advocate for meaningful storytelling. Kilala siya, hindi lang sa kanyang panlabas na ganda, kundi mas lalo sa kanyang husay, talino, at puso sa craft—sa bawat role na kanyang ginagampanan, na may lalim at may paninindigan.
Pinag-usapan namin ang pagmamahal niya sa Philippine arts— mula OPM hanggang indie films —at kung paanong nagiging makapangyarihang instrumento ang sining para itampok at pagnilayan ang mga isyung panlipunan.
Nauwi rin ang kwentuhan sa mas malalim at mas personal na espasyo: ang kanyang creative process, ang transition niya mula film at TV papuntang teatro, ang power ng stage para sa truth-telling at pagtampok sa mahahalagang social issues. Tinalakay din namin ang pagkakaiba ng film at theater bilang art form— ang pagiging raw, buháy, at mapangahas ng teatro bilang walang cut, walang retake, at lahat ay nangyayari sa harap mo at sa mismong sandali.
Masaya nya ring ibinahagi ang kanyang upcoming stage play na ENDO, na isang Cinemalaya film, almost 2 decades ago.
Mas nakita at narinig natin dito ang isang Jasmine na creative, mindful, insightful, at reflective— hindi lang artista sa harap ng kamera, kundi isang artist na may lalim, disiplina, at malasakit sa bawat proyektong pinapasok.
Listen up, yo.
-
Sa pinakabagong episode ng The Linya-Linya Show, nakasama natin ang dalawang award-winning writers at guro—Prof. Joselito Delos Reyes at Jerry Gracio—para sa isang masayang pero makabuluhang kwentuhan.
Pinag-usapan namin ang mga recent na balita sa pulitika, ang mga aral na dapat sana’y natutuhan sa mga huling kampanya, at ang halaga ng pag-uusap-usap ng iba’t ibang mga grupo at kampo, upang maipanalo ang mga nais nating mamuno sa bansa.
Syempre, natalakay din natin kung paano nagbabago ang paraan ng pagsusulat—mula sa tradisyunal na panitikan hanggang sa social media. Napagkwentuhan din ang creative writing, ang papel ng manunulat sa lipunan, at syempre, ang hypothetical campaign strategy kung sakaling tumakbo na nga sa pulitika si Sir Jerry Gracio (haha!).
Isang usapan na may talas, may tawa, at may lalim—para sa mga naniniwala na ang salita ay may bigat, at ang panitikan ay may pakialam.
Listen up, yo!
-
Sa episode na ito ng The Linya-Linya Show, nakasama muli natin ang award-winning writer, at dati kong guro, na si Edgar Calabia Samar—isa sa mga pinakamahusay na manunulat ng ating henerasyon.
Nagkwentuhan kami tungkol sa pagbabasa, pagsusulat, at pagsasalin— hindi lang bilang mga gawain, kundi bilang mga paraan ng pananatiling buo sa gitna ng magulong realidad. Pinag-usapan namin kung bakit hindi kahinaan ang pagiging emosyonal, kundi sintomas ng mas malalalim na suliranin sa lipunan; kung paano dapat igalang ang sariling damdamin; at kung bakit mahalagang hanapan ng oras ang pagsusulat kahit sa “karaniwang araw.”
Tinalakay rin namin ang halaga ng pagbabasa— kahit pa minsan ay tinatawag na "performative" — at kung paanong ang libro ay nagiging security blanket sa mga sandaling pinaghihintay tayo ng mundo. May pagbasa rin ng tula, pagninilay sa salitang “dito,” at pag-usisa kung kanino at hanggang saan ba ang sakop ng ating espasyo, damdamin, at pananagutan.
Isang mahabang kwentuhan tungkol sa wika, emosyon, at pagkatao— na nagpapaalala sa atin na ang nararamdaman natin ay may pinanggagalingan, at may saysay.
-
Yo, check! Panibagong episode ng Bara-Bara, ang podcast collaboration ng Linya-Linya at FlipTop Battle League.
Sa episode na 'to, nakasama natin ang isa sa pinaka-solid na battle emcees ng bagong henerasyon — si Ruffian. Mula sa pagiging kampeon sa underground rap battle leagues, hanggang sa mabilis na pag-akyat sa FlipTop simula 2023, sunod-sunod na heavyweight na kalaban at classic battles na agad ang ipinakita niya sa entablado.
Nagkwentuhan kami tungkol sa pinagmulan niya sa Baras, Rizal — isang lugar na kilala rin sa malalim na hip hop at artistic culture — at kung paano nahubog ang kanyang estilo, karakter, at pananaw bilang bata, hanggang sa maging rap artist at battle emcee.
Ikinuwento niya rin ang kanyang creative process sa pagsusulat ng matatalim na linya, ang impluwensya ng international rap battle scene sa kanyang estilo, at ang pressure at pride ng pagharap sa mga pinakamalalakas na pangalan sa liga. Palitan din ito ng pananaw tungkol sa pagbabasa at sa sining, at kung paano hinuhubog ng mga ito ang kanyang craft.
Kilalanin natin si Ruffian, bilang artist, at bilang tao.
Listen up, yo.
-
Kailan lang, nag-trending sa social media ang pagbabalik-tanaw sa mga post at litrato noong 2016. Maraming napa-throwback, napa-reminisce, at napa-“grabe, ang layo na pala.”
Sa latest episode ng Livin’ The Filipino Life, ginawa rin ‘yan nina Ali at Vic — dalawang magtropang noon pa magkasama, parehong nagsisimula pa lang sa kani-kanilang mga karera, parehong hinahabol ang passion, at parehong wala pang ideya kung saan sila dadalhin ng buhay. Nagsimula na ang Linya-Linya at Comedy Manila, pero wala pang The Linya-Linya Show noon.
Isang nostalgic na kwentuhan na puno ng alaala, tawa, at realizations — tungkol sa growth, pagbabago, at kung paano mabuhay bilang Pilipino habang hinahanap ang sarili at pwesto sa mundo. Hanep!
Listen up, yo!
- Laat meer zien