Afleveringen
-
May mga pagkakakataon talagang hindi patas ang sitwasyon at maaaring pagbitaw na lang ang nakikita mong solusyon. Pakinggan ang kwento ni Benjie sa Barangay Love Stories.
-
Bawat desisyon ay may kahihinatnan, kaya ingatan kung anong mayroon ka upang hindi pagsisihan ang piniling kasasapitan. Pakinggan ang kwento ni Vanessa sa Barangay Love Stories.
-
Zijn er afleveringen die ontbreken?
-
Ang second chance ay ibinibigay para ikaw ay makabawi hindi para dagdagan pa ang iyong pagkakamali. Pakinggan ang kwento ni Sev sa Barangay Love Stories.
-
Minsan ang pagpapakasal ay hindi na lang tungkol sa dalawang nag-iibigan, dahil sabit na rin dito ang pamilyang pakikisamahan. Pakinggan ang kwento ni Maris sa Barangay Love Stories.
-
Pamilya ang takbuhan sa oras ng pangangailangan kaya nang humingi ng tulong ang kapatid ni Patring, buong puso niya itong tinulungan. Ngunit si Pilo, mukhang walang balak suklian ng kabutihan ang tulong ng kanyang ate Patring. Pakinggan ang kwento ni Patring sa Barangay Love Stories.
-
Ang pagmamahal ay hindi lamang nasusukat sa malalaking bagay, kun’di pati na rin sa mga munting gawa na palagi niyang iniaalay. Pakinggan ang kwento ni Joel sa Barangay Love Stories.
-
Sa buhay, may mga taong dumarating kahit ayaw mo at mananatili sila dahil may kailangan silang ituro sa iyo. Pakinggan ang kwento ni Lilibet sa Barangay Love Stories.
-
Mas maikli man ang mga taon na nilalagi sa mundo ng mga pets, hindi maikakaila na nag-iiwan sila ng memories that you will never forget. Pakinggan ang kwento ni Pabian sa Barangay Love Stories.
-
Tukso’y iwasan at puso’y ingatan, para sa huli ay wala kang pagsisihan. Pakinggan ang kwento ni Yna sa Barangay Love Stories.
-
Masakit magsalita ang nanay ni Dory, pero madalas ay tama naman ito. Sa kabila ng talas ng dila nito, wala itong ibang hangad kun'di ang magandang kinabukasan para sa kanyang anak. Kaya nang napansin niyang masyado itong napapalapit kay Rene, ay talagang tinutulan niya muna ito. At bilang isang masunuring anak, kahit masakit ay nakinig naman si Dory sa kanyang mama. Pakinggan ang kwento ni Dory sa Barangay Love Stories.
-
Ang basag na salamin kapag pinilit ayusin, siguradong makakasakit pa rin. Matagal nang sinusubukan nina Martin at Cyril na makabuo ng anak pero dahil isang seaman si Martin, medyo nahirapan sila sa sitwasyon nila. Pakinggan ang kwento ni Cyril sa Barangay Love Stories.
-
Mahirap masanay sa mga bagay na walang kasiguraduhan kung hanggang kailan mo mararanasan. Pakinggan ang kwento ni Maileen sa Barangay Love Stories.
-
Ang bawat anak ay obra maestra kaya hindi sila dapat ikumpara sa iba dahil walang sinuman ang may kagaya. Totoong dapat galangin ng anak ang mga magulang ngunit dapat rin namang respetuhin at alagaan ng magulang ang anak na ipinagkaloob sa kanila. Pakinggan ang kwento ni Ronnie sa Barangay Love Stories.
-
Mainam pa ang taong harap-harapan kang pinagsasabihan kaysa sa taong kaibigan daw pero niloloko ka rin naman. Pakinggan ang kwento ni Krishna sa Barangay Love Stories.
-
Para sa mag-asawang sina Topeng at Alma, kahit mahirap ay sinisikap talaga nilang matulungan ang mga kaibigan at kapitbahay nila. Kahit ang patapon na si Waldo, nakuha pa rin nilang pagkatiwalaan sa paniniwalang makakaahon din ito sa mga problemang kinasasadlakan. Pero hindi lang si Waldo ang nangangailangan ng tulong, kun'di pati ang asawa at anak nito. Pakinggan ang kwento ni Alma sa Barangay Love Stories.
-
May freeloader boyfriend ni Nezza. Nang dumating ang panahon na hindi na nito mabuhay ang sarili niya, nakitira siya kay Nezza kaso sinama pa nito ang bratinelang kapatid niya. Pakinggan ang kwento ni Nezza sa Barangay Love Stories.
-
Sa buhay, ikaw ay masasaktan at mabibigo pero ang mga ito ang magpapatibay sa iyong puso. Pakinggan ang kwento ni Jimboy sa Barangay Love Stories.
-
Para magkaroon ng pangtustos sa araw-araw, sinubukan ni Jenina na magtayo ng munting negosyo kaso may mga taong humahadlang sa mga pangarap niya para sa kanyang pamilya. At ang mas masakit, iyon ay walang iba kun'di ang kanyang kinakasama. Pakinggan ang kwento ni Jenina sa Barangay Love Stories.
-
Sa iyong pagmamadali, minsan ikaw ay nagkakamali. Pero tumayo kang muli dahil pwede ka naman ulit bumawi. Pakinggan ang kwento ni Greta sa Barangay Love Stories.
-
Sa panahon ngayon, mahirap talaga kung isa lang ang nagtatrabaho sa pamilya. Kaya nang mawala ang haligi ng tahanan nina Remy, nawalan din sila ng taong magtataguyod sa kanila. Mahirap para sa nanay ni Remy ang magtrabaho nang mag-isa para pag-aralin at pakainin silang magkakapatid pero pinilit ito ng kanilang ina kahit pa magkasakit siya. Kaya bilang panganay, si Remy na rin mismo ang nagdesisyon na makipagsapalaran upang matustusan ang naghihirap nilang mag-anak. Pakinggan ang kwento ni Remy sa Barangay Love Stories.
- Laat meer zien