Afleveringen
-
Ang pag-aasawa ay hindi lang basta “happily ever after,” ito ay binubuo rin ng “constantly working together. Pakinggan ang kwento ni Jemma sa Barangay Love Stories.
-
Maaaring dumating ang araw na maging makakalimutin ka na kaya habang kaya pa ng iyong gunita, umukit ka ng masasayang alaala. Pakinggan ang kwento ni Megan sa Barangay Love Stories.
-
Zijn er afleveringen die ontbreken?
-
Mahirap maging magulang pero mas mahirap para sa mga anak kung hindi magkasundo ang mga magulang. Bata pa lang sina Em at Nicole nang umalis sa bahay nila ang kanilang papa. Hindi nila alam ang dahilan ng kanyang pag-alis pero si Nicole, wala nang balak na tanggaping muli ang taong nang-iwan at tumalikod sa kanila. Ngunit si Em, kahit sa kanyang pagtanda, sabik pa rin siyang makapiling ulit ang kanyang papa. Kaya nang magkaroon ng pagkakataon, sinunggaban niya agad ito. Pakinggan ang kwento ni Em sa Barangay Love Stories.
-
Sa panahon ngayon, marami na ang manloloko pero huwag kalimutan na may mga tao pa ring busilak ang puso. Mahirap ang buhay nina Monet pero nakatisod siya ng galanteng manliligaw. Kahit malaki ang agwat ng kanilang edad, halos itulak na si Monet ng nanay niya para magkalapit silang dalawa. Pakinggan ang kwento ni Monet sa Barangay Love Stories.
-
Nawa’y ang lahat ng tahanan ay maging masaya, ligtas, at malaya, ‘yung walang takot, galit, at poot na dulot. Dahil sa tahanang kinagisnan ni Sanvi, kapayapaan at pagmamahal ang kanyang minimithi. Pakinggan ang kwento ni Sanvi sa Barangay Love Stories.
-
Mahirap man tanggapin na hindi ka niya nais ibigin, mas mainam na siya’y magpakatotoo sa’yo kaysa ikaw ay lokohin. Hindi makapag-out si Drew sa kanyang family, kaya need niya ang help ng BFF niyang si Ethel.. Pakinggan ang kwento ni Ethel sa Barangay Love Stories.
-
Nakakalito man ang mga pagpipilian, tandaan na nakatahi ang ngayon sa iyong kinabukasan. Piliin ang totoong gusto, para walang sisihan sa dulo. Pakinggan ang kwento ni Janine sa Barangay Love Stories.
-
Sa pagkabata nagsimula ang pagkakaibigan nina Chee at Ysay. At nang mahanap ni Ysay ang makakasama niya sa pagbuo ng pamilya, nadagdagan pa ang kaibigan pa Chee. Ngunit isang trahedya ang wawasak kay Chee ngunit muling magpapatatag sa pagkakaibigan nilang dalawa . Pakinggan ang kwento ni Chee sa Barangay Love Stories.
-
May mga pagkakakataon talagang hindi patas ang sitwasyon at maaaring pagbitaw na lang ang nakikita mong solusyon. Pakinggan ang kwento ni Benjie sa Barangay Love Stories.
-
Bawat desisyon ay may kahihinatnan, kaya ingatan kung anong mayroon ka upang hindi pagsisihan ang piniling kasasapitan. Pakinggan ang kwento ni Vanessa sa Barangay Love Stories.
-
Ang second chance ay ibinibigay para ikaw ay makabawi hindi para dagdagan pa ang iyong pagkakamali. Pakinggan ang kwento ni Sev sa Barangay Love Stories.
-
Minsan ang pagpapakasal ay hindi na lang tungkol sa dalawang nag-iibigan, dahil sabit na rin dito ang pamilyang pakikisamahan. Pakinggan ang kwento ni Maris sa Barangay Love Stories.
-
Pamilya ang takbuhan sa oras ng pangangailangan kaya nang humingi ng tulong ang kapatid ni Patring, buong puso niya itong tinulungan. Ngunit si Pilo, mukhang walang balak suklian ng kabutihan ang tulong ng kanyang ate Patring. Pakinggan ang kwento ni Patring sa Barangay Love Stories.
-
Ang pagmamahal ay hindi lamang nasusukat sa malalaking bagay, kun’di pati na rin sa mga munting gawa na palagi niyang iniaalay. Pakinggan ang kwento ni Joel sa Barangay Love Stories.
-
Sa buhay, may mga taong dumarating kahit ayaw mo at mananatili sila dahil may kailangan silang ituro sa iyo. Pakinggan ang kwento ni Lilibet sa Barangay Love Stories.
-
Mas maikli man ang mga taon na nilalagi sa mundo ng mga pets, hindi maikakaila na nag-iiwan sila ng memories that you will never forget. Pakinggan ang kwento ni Pabian sa Barangay Love Stories.
-
Tukso’y iwasan at puso’y ingatan, para sa huli ay wala kang pagsisihan. Pakinggan ang kwento ni Yna sa Barangay Love Stories.
-
Masakit magsalita ang nanay ni Dory, pero madalas ay tama naman ito. Sa kabila ng talas ng dila nito, wala itong ibang hangad kun'di ang magandang kinabukasan para sa kanyang anak. Kaya nang napansin niyang masyado itong napapalapit kay Rene, ay talagang tinutulan niya muna ito. At bilang isang masunuring anak, kahit masakit ay nakinig naman si Dory sa kanyang mama. Pakinggan ang kwento ni Dory sa Barangay Love Stories.
-
Ang basag na salamin kapag pinilit ayusin, siguradong makakasakit pa rin. Matagal nang sinusubukan nina Martin at Cyril na makabuo ng anak pero dahil isang seaman si Martin, medyo nahirapan sila sa sitwasyon nila. Pakinggan ang kwento ni Cyril sa Barangay Love Stories.
-
Mahirap masanay sa mga bagay na walang kasiguraduhan kung hanggang kailan mo mararanasan. Pakinggan ang kwento ni Maileen sa Barangay Love Stories.
- Laat meer zien